MGA NASYONALISTA SA TIMOG AT TIMOG KANLURANG ASYA
Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya, nakilala ang mga lider nasyonalista na nagsilbing inspirasyon ng mga Asyano sa kanilang pamumuhay. Kilalanin natin ang mga nasabing lider nasyonalista.
1. MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI
Isang Hindu na nakapag-aral sa isang pamantasan sa England. Nakapagtrabaho sa South Africa. Siya ang namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa mga mananakop na Ingles. Si Gandhi ay naging inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang katangi-tanging tahimik na pamamaraan ng pagtutol upang matamo ng India ang kalayaan. Nakilala siya bilang Mahatma o “DakilangKaluluwa”. Tinuruan niya ang mga mamamayan na humingi ng kalayaan na hindi gagamit ng karahasan, dahil naniniwala si Gandhi sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa) at Satyagraha sa pakikipaglaban. Hindi rin niya sinang-ayunan ang pagtatangi sa untouchables at sati na para sa mga kababaihan. Ipinakilala rin ni Gandhi ang paraang civil disobedience kung saan ay hinikayat niya ang mga Indian na gumawa ng pagboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o produktong Ingles lalo na ang telang negosyo ng mga ito.Isinagawa rin niya ang pag aayuno o hunger strike upang makuha ang atensiyon ng mga Ingles at upang mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya. Labas masok man sa piitan ay hindi pa rin siya natakot.Sa halip ay nagpatuloy pa rin si Gandhi sa kaniyang mapayapang pakikibaka hanggang sa makamit ng mga Indian ang kanilang kalayaan. Nakamit ng India ang kanilang kalayaan noong Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru.
2. MOHAMED ALI JINNAH
Nakilala siya bilang “ Ama ng Pakistan ”, isang abogado at pandaigdigang lider. Ipinanganak noong Disyembre 25, 1876, sa Karachi, Pakistan.Ang kaniyang mga magulang ay sina Jinnahbha Poonja at Mithibai.Panganay na anak sa pitong magkakapatid. Nakapag-aral sa Pamantasan ng Bombay, Lincoln Inn, Christian Missionary Society High School, Sind Madrassa Gohal Das Tej Primary School at Sindh Madrasatul-Islam. Naganyak ng kaibigan ng kaniyang ama na isang dayuhan tulad ni Sir Frederick Leigh Craft na mag aral sa London. Kabilang si Ali Jinnah sa Khoja Muslim sect. Siya ay nakapag asawa sa edad na 15 taong gulang.Si Mohamed Ali Jinnah ang namuno sa Muslim League noong 1905.Layunin ng samahan ang magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.Namuno siya upang ang Pakistan ay lumaya mula sa India. Noong Agosto 14, 1947 nang ipinagkaloob ang kalayaan ng Pakistan. Si Mohamed Ali Jinnah ang itinanghal na kauna-unahang gobernador heneral ng Pakistan.Namatay si Mohamed Ali Jinnah noong Setyembre 11, 1948.
3. MUSTAFA KEMAL ATATURK
Siya ay isinilang sa Salonika, bahagi ng imperyong Ottoman noon, ngayon ay Ssloniki, Greece. Ang kaniyang mga magulang ay sina Ali Riza Efendi. Sinasabing nagmula sa pamilya ng mga Nomads sa Konya,Turkey. Ang kanya namang ina ay si Zubeyde Hanim Nakapag-aral ng elementarya saSemsi Efendi School. Nag-aral sa Monastir High School noong taong 1899.Taong 1905 nang
matapos ng pag-aaral sa Ottoman Military College si Mustafa ay
naging sundalo. Naging Kapitan ng Ottoman Army at nagsilbi sa 5th
Army sa Damascus na ngayon ay Syria hanggang noong 1907. Isa si Mustafa na hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at France noong matapos ang kanilang digmaan noong1911 hanggang 1912, na hatiin ang Imperyong Ottoman. Siya ang naging susi sa isang pagkilos na naganap noong Disyembre 1911 sa Battle of Tobruk, na kung saan ay may 200 Turko at Arabong militar lamang ang lumaban sa 2000 Italyanong naitaboy at 200 na nahuli at napatay, bagamat nagtagumpay pa rin ang mga ItalyanoSi Mustafa Kemal ang nagbigay- daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa kabila na ito ay binalak paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Britain, Greece at Armenia. Siya ang tumawag ng halalang pambansa at hiwalay na parlliamento na siya ang nagsilbing tagapagsalita (speaker). Ito ang Grand
National Assembly ng Turkey. Ito ang nagbigay daan upang ang mga Turkong militar ay mapakilos na hingin ang kalayaan ng bansang Turkey.
4. AYATOLLAH ROUHOLLAH MOUSARI KHOMEINI
Si Ayatollah Khomeini ay isinilang noong Setyembre 24, 1902, lumaki sa pangangalaga ng kaniyang ina at tiyahin, matapos mamatay ang kaniyang ama sa kamay ng mga bandido. Nang mamatay ang kaniyang ina siya ay naiwan sa pangangalaga at pagsusubaybay ng kaniyang
nakatatandang kapatid. Noong 1962 nagsimula si Ayatollah na maging aktibo sa larangan ng politika. Kasama siya sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang Shah sa mga mamamayan at ang tahasang pagpanig at pangangalaga
nito sa interes ng mga dayuhan tulad ng Estados Unidos. Si Ayatollah rin ay gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na
pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito sa Israel. Sa pamamagitan ng gawaing ito ay naaresto at nakulong si Ayalollah na umani ng malawakang pagsuporta ng mga mamamayan na naging sanhi ng kaguluhan sabansa.
Naranasan din ni Ayatollah ang maipatapon sa ibang bansa tulad ng Turkey at Iraq noong Nobyembre 1964, dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa pamunuang mayroon ang kaniyang bansa. Pagkatapos mabuwag ang pamahalaan ng Iran sa pamamagitan ng Rebolusyong Islamic noong 1979 at mapatalsik ang Shah muling bumalik si Ayatollah sa Iran na muling tinanggap ng mga mamamayan. Noong Pebrero 1989 siya ay nagpalabas ng isang Fatwa sa estasyon ng Tehran Radio na nagbibigay ng parusang kamatayan laban sa isang manunulat na Ingles na si Salman Rushdie at sa kaniyang tagapagpalimbag ng aklat na may titulong Satanic Verses. Namatay si Ayatollah noong Hunyo 3, 1989 sa gulang na 70 taon.KInikila siya bilang isa sa mga malupit na lider ng ika-20 siglo.
5. Ibn Saud
Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Isinilang noong Nobyembre 24,1880 sa Riyadh, anak ni Abdul Rahman Bin Faisal. Ang kaniyang pamilya ay kabilang sa mga pinunong tradisyunal ng kilusang wahhabi ng Islam (ultra orthodox). Minsang nakulong sa Kuwait ang kaniyang pamilya.Taong 1902 nang muling mapasakamay nila ang Riyadh, samantalang taong 1912 naman nang masakop niya ang Najd at dito ay bumuo ng pangkat ng mga bihasang sundalo.Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig ,sinikap ng mga Ingles na mapalapit sa kaniya, ngunit di ito nagtagumpay sa halip ay pinaboran ang kaniyang katunggali na si Husayn Ibn Ali ng Hejaz. Taong 1924-1925 napabagsak ni Ibn Saud
si Husayn at iprinoklama ang kaniyang sarili bilang hari ng Hejaz at Nejd.Pagkatapos matipon ang halos kabuuan ng Tangway Arabia taong 1932 binigyan ni Ibn Saud ang kaniyang kaharian ng bagong pangalan bilang Saudi Arabia. Nagtagumpay siya na mahimok ang mga Nomadikong tribo o pangkat- etniko na mapaayos ang kanilang pamumuhay at iwasan na ang gawain ng panggugulo at paghihiganti. Sa kaniya ring pamumuno ay nawala ang mga nakawan at pangingikil na nangyayari sa mga dumadalo ng pilgrimage sa Mecca at Medina.Si Haring Ibn Saud ang nagbigay ng pahintulot sa isang kompanya ng Estados Unidos noong 1936 at 1939 upang magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia. Pinatunayan ng bansa na ang mina ng langis ang pinakamayaman sa daigdig na nakatulong upang ito ay magkaroon ng pambansang pag-unlad. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig si Haring Ibn Saud ay nanatiling neutral ngunit di rin naiwasan na siya ay minsang pumabor sa mga Allies. Hindi siya seryosong nakialam sa Digmaang Arab Israel noong 1948. Pinalitan siya ng kaniyang panganay na anak na si Prince Saud.
Tunay na maraming lider Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang nagpamalas ng pagiging makabayan, nagpunyagi at nagtagumpay na matamo ang inaasam na kalayaan ng kani-kanilang mamamayan at bansa.
Maikling Pagsusulit
Sa isang buong papel, sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa loob ng limang (5) pangungusap.
1. Sino sa mga naging pinunong nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya ang nais mong tularan? Bakit?
2. Anong gawain ng isang karaniwang mamamayan na katulad mo sa kasalukuyan, ang maaaring magpamalas ng pagmamahal sa bansa ? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Sino sa mga lider sa Timog at Kanlurang Asya sa kasalukuyan ang kakikitaan natin ng pagiging makabayan sa kabila ng mga naranasang kaguluhan sa kanilang bansa? Bakit?
Takdang-aralin:
Pumili ng iyong nais gawin sa mga sumusunod na gawain:
A. Lumikha ng isang TULA na nagsasaad ng pagmamahal sa bayan o Nasyonalismo. Ito ay binubuo ng dalawang stanza.
B. Lumikha ng isang KANTA na nagsasaad ng pagmamahal sa bayan o Nasyonalismo. Ito ay binubuo ng dalawang stanza. Maaaring gamitin ang tono ng isang kanta na iyong napili o paborito.
C. Lumikha ng isang POSTER na nagsasaad ng pagmamahal sa bayan o Nasyonalismo.
https://www.youtube.com/watch?v=mfBmRu11t64&spfreload=10
- Para sa karagdagang kaalaman, maaari mong bisitahin ang website na ito at panoorin.
https://www.youtube.com/watch?v=mfBmRu11t64&spfreload=10
wow!very helpful. I learned a lot of things. Thanks.
ReplyDelete